Ang Pagkamit sa Iisang Tagumpay ay bunsod sa paggamit ng wika ng bayan.
Sa bawat bansa may kanya kanyang dialektong ginagami lalo sa bansang pulo-pulo tulad ng bansang Pilipinas. Sabi nga ni Rizal ang hinsi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda.
Kaya nararapat lang ating
gamitin, mahalin at pagyamanin ang ating sariling wika lalo na ang
ating pambansang wika- ang wikang FILIPINO. Ito ang lubid na nagpapabuklod
buklod ng ating iisang lipi. Gaya ng
ginawa ng ating mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay. Dahil sa pagmamahal sa
Inang Bayan, hindi sila nagdalawang isip na ipaglaban ang naaapin Pilipinas
mula sa mga mandirigmang dayuhan. Dahil sa kanila muli nating nakamit ang ating
kalayaan na ating nnararanasan sa kasalukuyan. Ngayon, dapat tayo naman ang
gumawa ng paraan upang ipaglaban ang pambansang Wika, bayan, kalayaan at
karapatan.
Iisang lahi, iisang layunin at
iisang wika, na may iisang adhikain makakamit ang pagkakaisa.
